Thursday, April 3, 2008

LP #1: Bilog



Ito ang aking unang entry para sa Litratong Pinoy.
(This is my first entry for Litratong Pinoy.)

Minsan noong buwan ng Pebrero, naisipan namin ng Mommy ko ang maglakad-lakad paikot sa man-made lake at falls ilang hakbang lamang mula sa aming bahay, habang si Abby naman ay nakasakay sa kaniyang bisikleta. Sa aming paglalakad, naakit kami ng mga maliliit na bilog at pulang bungang ito na gumagapang sa bakurang gawa sa rehas na bakal.
(Sometime in February, my Mom and I decided to take a walk around the man-made lake and waterfalls just a very short walking distance from our house. Abby came with us riding her bike. While walking, we noticed these red bunches of "fruits" crawling the iron gates of one residence.)




Si Abby rin ay tila nabighani sa mga kumpul-kumpol at hitik na hitik na mga matitingkad na pulang bungang ito.
(Even Abby seemed very attracted to these great number of bright red fruits.)



Hindi ako nakasisiguro kung isang uri ng "berries" ang mga ito.
(I'm not sure if these are a kind of berries.)



Ang nasisiguro ko lamang ay dahil sa ganda nilang tignan, 'di ko napigilan ang kumuha nang kumuha ng larawan hanggang iwanan na ako ni Abby at ni Mommy sa aking kinatatayuan. :D
(One thing's for sure though, because they were such a delight to look at, I couldn't help taking a lot of photos, that Abby and my Mom decided to go move along without me. :D)



Inaanyayahan ko kayong silipin ang isa ko pang entry sa LP dito.
(I invite you to take a look at my other LP entry here.)

16 comments:

Anonymous said...

Mommy Munchkin, may puno kami nito sa harapan ng bahay subalit kinakailangan na tibagin sa dahilang kumulimlim sa aming kusina..sayang at may nest pa naman ito ng ibon :( pero walang ibon :D

paboritong ngatngatin ng mga ibon yan dito , 2 beses sa isang taon magbunga!

Anonymous said...

yan yata ang kano version ng aratelis. :D or alateris? mwahaha!

at syempre dapat kasali sa pic si pretty abby! :) siya ang higit na nakapag-paganda sa litrato. :)

maligayang huwebes, weng! :)

HiPnCooLMoMMa said...

ay parang syang kumpol kumpol na kamatis.

thess ano ba tawag sa prutas na yan?

Anonymous said...

ang ganda nga niyang halaman.

maligayang huwebes kabayan!

Anonymous said...

Kay gandang tingnan ng iyong mga litrato.

Anonymous said...

ganda na ng pagkabilog,ganda pa ng pagka red! (my fav colour) :)

arvin said...

Huwaw, sana ma ganyan din kami sa bahay, hehe:D Ganda nung pagkared nga, nakakatuwa.

Anonymous said...

hmmm... looks yummy... :)

Anonymous said...

Ay, kinakain kaya yan? Parang mga blueberries, red nga lang :)

Ang cute naman ni Abby sa pink ensemble niya.

Jervis said...

sa hitsura nya at pagiging hitik, nakakatakam kain ang mga yan. maganda ang mga retrato, lalo na yung may bata (--,)

Munchkin Mommy said...

Hi Thess! Anong tawag dito sa mga bungang ito? Hindi naman siya nakakain diba? Pero ang ganda tignan kasi hitik na hitik sa bunga tapos pulang-pula. :D

Hi Meeya! Aratilis (o alatiris?) nga ang naisip ko nung nakita ko ang mga ito. American version! Siyempre kasama si Abby sa pic. Alam mo namang siya ang paborito kong model. :D Hee hee!

Hi Girlie! Para nga siyang maliliit na butil ng kamatis. Hee hee! Ireresearch ko kung ano ang tawag...unless sabihin na agad sa atin ni Thess! Hahaha! :D

Hi Mousey! Nagandahan din akong talaga sa halaman kaya naman naloka ako sa pagkuha ng litrato. Hahaha! Maligayang weekend sayo, kabayan! ;)

Hi Jacq! Natutuwa ako at nagagandahan kang tignan ang aking mga litrato. Hee hee!

Hi Pixelminded! Tamang-tama siya para sa bilog na tema ng LP, ano? :D

Hi Komski Kuno! Sa bakuran ito ng isang bahay malapit dito sa amin. Buti na lang at hindi ako napagkamalang stalker nung pinagkukuhanan ko ng litrato. Hahaha!

Hi Lino! Mukhang yummy nga kasi parang maliliit na cherry tomatoes. Hindi ko lang sigurado kung puwedeng kainin. Hahaha!

Hi Julie! Hindi ko na tinikman...baka malason ako! Hahaha! Tama ka, para ngang mga blueberries! :) Naka biker gear si Abby at medyo malamig nung hapong iyon kaya naka light jacket siya. :D

Hi Studio Juan! Salamat at nagustuhan mo ang aking mga litrato. Paborito ko rin yung me bata! Hahaha! ;)

Anonymous said...

hitik na hitik sa berries! and just look at that color, it's devilishly red. don't you think? at bongga si lady abby hah, all geared up and coordinated pa. panalo ;)

Anonymous said...

ang daming bunga at makulay - maganda talaga kunan ng litrato!

Munchkin Mommy said...

Hi Nell! What a pleasant surprise! :) Ngayon ka lang naparito ah! Hee hee. :) So, berries nga ang mga bungang ito? Nakakain ba? :D Si Abby, marunong nang magrekalmo yan sa wardrobe. Saka when she rides her bike, talagang sinisigurong naka biking gear talaga siya. :D

Hi Nina! Nakakatuwang kumuha ng litrato ng mga bagay na masarap sa paningin. :) Salamat sa pagdalaw! :)

Anonymous said...

Ang ganda naman ng mga pulang berries na ito. (These red berries are beautiful). :)

Shalimar said...

going to all the blogs of LP contributors am also relearning my Tagalog. Birds love these...i love the colours....salamat sa pag daan sa blog ko....
happy weekend.